NI KEVIN GALANG
ARESTADO ng pinagsanib na pwersa ng Limay police, Limay Fisheries at Aquatic Resources Management Council (FARMC), at ng Bantay Dagat ang walo katao na umano’y gumagamit ng dinamita sa pangingisda sa karagatan ng Limay, Bataan.
Sa ulat na isinumite kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., nakilala ang mga arestado na sina alias “Bernaldo,” alias “Maceda,” alias “Tapion,” alias “Punay” at apat na iba pa na inaalam pa ang mga pangalan.
Sina Bernardo, Maceda, Tapion at dalawa nilang kasamahan ay nasakote habang sakay ng isang walang markang bangkang pangisda habang si Punay at dalawang iba pa ay nahuli naman habang lulan ng F/B Pam-Dave.
Ang walo ay nahuli habang nangongolekta ng patay nang isda na kung tawagin ay alubaybay na ayon sa fish examiner mula sa Provincial Agriculturist Office ng Bataan ay produkto ng dynamite fishing.
Nakumpiska mula sa mga suspect ang may 200 gramo ng alubaybay na nagkakahalaga ng P9,800, tatlong panghuli ng isda na may kabuuang halagang P45,000, anim na pinong net na may halagang P42,000,at tatlong bangkang de motor na may katumbas na halagang P150,000.

“Ang buong PRO3 police force ay patuloy na ipatutupad ang ibayong kampanya laban sa mga lumalabag sa batas sa Central Luzon,” ani Hidalgo.
Ang mga nasakoteng suspect ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 9 ng Republic Act 10654 o batas hinggil sa ilegal at unregulated na pangingisda.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS