ILANG pamilya ang isinugod sa ospital makaraang makalanghap ng ammonia na tumagas mula sa isang planta ng yelo sa Bgy. New Lower Bicutan, Taguig City ngayong araw (September 25).
Nag-umpisa umanong makalanghap ng masangsang na amoy ang mga residente ng alas – 7 ng umaga.
Agad namang pinalikas ang lahat ng tao sa loob ng planta at mga nakatira sa malapit dito para sa kanilang kaligtasan.
Iyon umanong hindi kinaya ang matindig amoy ng ammonia ay itinakbo ng dumating na ambulansiya ng Bgy. New Lower Bicutan patungo sa pinakamalapit na ospital.
Ayon sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection, walo katao ang nahirapang huminga matapos malanghap ang tumagas na ammonia.
Batay pa sa isang radio report, pinauwi na sa kani-kanilang mga tahanan ang mga estudyante sa kalapit na eskuwelahan dahil sa panganib sa kalusugan na dulot ng ammonia leak.
Sinuspinde ang klase sa R.P. Cruz Elementary School ng alas – 8 ng umaga upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Agad namang isinara ng mga miyembro ng BFP ang valve sa planta ng yelo upang mapigilan ang patulloy na pagtagas ng ammonia.
Ayon sa BFP, nakontrol na ang pagtagas ammonia ng alas – 8:51 ng umaga.

ONLINE THREAT HITS UP DILIMAN; STUDENTS EVACUATED
QC SCIENCE HIGH SCHOOL WINS FIRST NXTGEN CONGRESS
P755 NEW DAILY MINIMUM WAGE FOR METRO MANILA WORKERS
LAWYER CALLS FOR PROBE INTO ALLEGED ILLEGAL STL OPERATIONS IN QC
FAMILY OF 4 DIE IN QUEZON CITY FIRE
THOUSANDS MOURN ‘NANAY NENE NG TONDO’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA