NI KEVIN GALANG
DALAWANG lalaking wanted sa Calabarzon at Bicol regions ang nasakote sa magkahiwalay na operasyon sa Bulacan nitong Martes, Setyembre 26.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., ang suspect na si Leonardo Santos Jr., most wanted sa listahan ng Police Regional Office 4A, ay nadakip ng pinagsanib na pwersa ng pulisya ng Plaridel at Caabarzon.
Natunton si Santos sa kanyang pinagtataguan sa Bgy. Poblacion, Plaridel, Bulacan.
Ang pag-aresto sa suspect ay ginawa sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Biñan Regional Trial Cout Branch 155, Biñan City, Laguna sa kasong rape.
Sa isa pang police operation sa Bgy. Sampaloc, San Rafael, Bulacan, nadakip ng mga miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force Company – Bulacan at iba pang police units si Pio Valenzuela, ang no. 3 most wanted sa Bicol region dahil sa kasong murder.
Pinuri naman ni Hidalgo ang kanyang mga tauhan sa nasabing mga pag-aresto kasabay ng pahayag na patuloy na pag-iibayuhin ng PRO3 ang kampanya sa paglaban sa lahat ng uri ng krimen at masiguro ang seguridad at kaligtasan ng lahat ng mamamayan.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS