INIHAYAG kahapon (Setyembre 29) ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na ang website nito at member portal ay naayos na matapos mag-shutdown kasunod ng nangyaring ransomware attack noong nagdaang linggo.
Sa isang advisory, sinabi ng PhilHealth na ang kanilang application systems ay naibalik na ng alas – 12 ng tanghali ng Setyembre 29, 2023.
Malapit na rin umanong maayos ang kanilang insurer’s e-claims system.
Pansamantalang isinara ng PhilHealth and kanilang system matapos itong atakihin ng mga hacker Biyernes ng nagdaang linggo
Agad itong nagsagawa ng “containment measures” gayundin ng imbestigasyon sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology at iba pang government agencies.
Idiniin ng PhilHealth na hindi ito magbabayad ng $300,000 o tinataya sa P17 milyong ransom na hinihingi ng mga cyber hacker kapalit ng umano’y ninakaw ng mga itong data mula sa kanilang website.

SENATE CONCLUDES FIRST REGULAR SESSION OF THE 20TH CONGRESS
GATCHALIAN ELECTED AS ACTING SENATE PRESIDENT
CHIZ ARRIVES AT THE PLENARY, COMPLETES REQUIRED QUORUM OF 12 SENATORS
HOUSE EXPELS CAVITE CONGRESSMAN KIKO BARZAGA
PROPOSED P240 IMMIGRATION FEE FOR TRAVELERS STILL UNDER STUDY – PALACE
SUBSTANDARD APPLIANCES SEIZED IN NUEVA ECIJA BUY-BUST
SM SAN PEDRO JOINS BRIGADA ESKWELA 2026