NASA 218 bilang ng pamilya ang nawalan ng tirahan habang siyam na katao ang naiulat na nasugatan dahil sa isang oras na sunog sa isang hardware warehouse sa Valenzuela City noong Huwebes.
Kinumpirma ng mga opisyal ng Valenzuela City Command, Control and Communication Center na nagsimula ang apoy sa storage facility ng Herco Trading sa Brgy. Bagbaguin dakong alas-12:30 ng tanghali noong Huwebes, na mabilis kumalat sa kalapit na mga warehouse at tirahan.
Umabot sa “Task Force Bravo” alarm level ang sunog dakong alas-3:40 ng hapon.
Nitong Biyernes ng hapon, inanunsyo ng Bureau of Fire Protection na kontrolado na ang apoy ngunit hindi pa ganap na naapula.
Sinabi ng BFP na 42 trak ng bumbero ang rumesponde sa sunog.
Walong bumbero at isang sibilyan ang nagtamo ng maliliit na sugat at paso, ayon pa sa ulat ng BFP.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang bilang ng mga pamilya na nasunugan na pansamantalang tumuloy sa Pedro L. Santiago Elementary school ay nasa 117, Canumay East Covered Court na may 41 pamilya, Mariano Elementary School na may 26 na pamilya, at Paso de Blas 3S Center Multi-Purpose Hall na may 31 pamilya.
Sa Valenzuela City, isa pang sunog ang sumiklab noong Biyernes ng umaga sa isang gusali sa Canumay West.
Ayon sa BFP, nakontrol naman ang apoy dalawang oras matapos itong sumiklab.

ONLINE THREAT HITS UP DILIMAN; STUDENTS EVACUATED
QC SCIENCE HIGH SCHOOL WINS FIRST NXTGEN CONGRESS
P755 NEW DAILY MINIMUM WAGE FOR METRO MANILA WORKERS
LAWYER CALLS FOR PROBE INTO ALLEGED ILLEGAL STL OPERATIONS IN QC
FAMILY OF 4 DIE IN QUEZON CITY FIRE
THOUSANDS MOURN ‘NANAY NENE NG TONDO’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA