BONG REVILLA
UMAPELA si Senator Ramon “Bong” Revilla sa Office of the President na ikonsidera ang “no work-no pay” na mga manggagawa ng noontime variety show na “It’s Showtime.”
Ginawa ni Revilla ang apela makaraang ibasura ng Movie Television Review and Clissification Board (MTRCB) nitong Huwebes, September 28, ang motions for reconsideration na inihain ng ABS-CBN Corporation at GMA Network, Inc. para sa noontime variety show.
“Without getting into the merits of the case, sana i-consider ng MTRCB ang kapakanan nung mga maliliit na staff at crew nung show na wala namang kinalaman at kasalanan dun sa nangyari,” ani Revilla.
“Sila yung mga ‘no work-no pay’ na kung matutuloy ang suspension ay dalawang linggong walang kikitain at kakainin,” paliwanag ng senador.
Naniniwala si Revilla na iaapela ng ABS-CBN at GMA sa Tanggapan ng Pangulo sa loob ng 15-araw ang kaso at kumpiyansa siyang kapag na-review ito, bibigyang halaga ang makataong konsiderasyon.
“I think lessons have been learned,” anang senador.
“Kung nagkaroon man ng pagkakamali, ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro. So, I hope we don’t punish those working hard day in-day out just to eke out a living,” dagdag pa ni Revilla.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA