INAPRUBAHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 na provisional fare increase para sa mga jeep sa buong bansa.
Sa isang desisyon noong Martes, sumang-ayon ang regulatory board na ibigay ang provisional increase habang pinag-isipan pa nito ang petisyon na itaas ang pamasahe ng P5.
Ang pagtaas ng pamasahe ay magkakabisa sa Oktubre 8 para sa moderno at tradisyonal na mga jeepney.
Ang pamasahe sa tradisyunal na jeepney mula P12 ay magiging P13 habang sa modernong jeepney ay mula P14 ay magiging P15.
Sinabi ng LTFRB na ito ay dahil na patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo nitong mga nakaraang buwan kaya nagpasya ang gobyerno na mamigay ng P2.95 bilyon na subsidy sa mga operator ng pampublikong sasakyan.
Sinabi ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III na pinag-iisipan na ng ahensya ang pagtataas ng pamasahe simula pa noong kalagitnaan ng Setyembre.
Bagama’t nakahanda ang regulatory board na ibigay ang hiling ng taas sa pamasahe, sinabi nito na kailangan pa rin ng National Economic and Development Authority na pag-aralan kung kailan at kung magkano ang kinakailangan na itaas para maiwasan ang pagkakaroon ng inflation.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA