NAGBABALA ang Department of Transportation (DOTr) noong Martes sa publiko laban sa paggamit ng anumang produkto na may “trademark and functionality” ng beep card, kabilang ang mga anting-anting, trinkets, keychain, at bracelets na nabibili online.
Ayon sa DOTr, ang paggamit ng mga produktong ito bilang stored value card ay hindi “authorized fare media” sa alinmang pampublikong tren.
Ang sinumang indibidwal na mahuling gagamit ng mga ito ay iba-blacklist at kukumpiskahin ang kanilang mga produkto dahil sa pamemeke at paglabag sa intellectual copyright.
Iginiit ng DOTr na ang AF Payments, Inc., ang legal na may-ari ng beep trademark at logo at eksklusibong nag-isyu ng mga beep card, ay hindi pinahintulutan ang pagbebenta, paggamit at pamamahagi ng beep card. “Tanging ang mga lehitimong pinanggalingan na beep card ang tatanggapin sa alinmang rail station acceptance points para sa pagbabayad ng mga pamasahe sa tren,” sa advisory ng DOTr.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA