INABSWELTO ng Malolos City Regional Trial Court Branch 19 si retired Army General Jovito Palparan at ilang iba pa kaugnay ng kasong pagdukot at torture sa magkapatid na magsasaka sa Bulacan noong 2006.
Sinabi ng korte na bigo ang prosekusyon na patunayan ang guilt beyond reasonable doubt kung kaya naabswelto si Palparan sa isinampang kaso ng magkapatid na magsasakang sina Raymond at Reynaldo Manalo.
Sa kabila ng acquittal, nangako si Raymond na itutuloy pa rin niya ang pagkuha ng hustisya para sa kanilang magkapatid.
Una nang kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) ng kidnapping at serious illegal detention with serious physical injuries si Palparan kaugnay ng umano’y pagdukot sa magkapatid na Manalo.
Ayon kay Raymond, kinidnap sila ng aniya ay mga militar mula sa kanilang tahanan sa San Ildefonso, Bulacan noong 2006.
Sinabi niyang ikinulong sila ng mahigit isang taon sa ilang kampo ng sundalo sa Timog Katagalugan hanggang sa magawa nilang makatakas noong Agosto 13, 2007.
Ayon sa kanya, habang sila ay hawak ng mga militar ay nagawa niyang makausap ang dalawang nawawalang estudyante ng University of the Philippines na aniya ay ikinulong din ng mga tauhan ni Palparan.
Nakita rin umano niya ang mga estudyanteng sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño na tinotorture ng mga bumihag sa kanila.
Si Palparan ay hinatulan ng hanggang 40-taon na pagkakakulong sa kasong kidnapping at serious illegal detention kina Cadapan at Empeño.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA