NAGPAHAYAG ang Bureau of Immigration (BI) na handa silang magbigay ng tulong sa mga Pilipino na posibleng maiuwi kasunod ng gulo sa Israel.
Ayon sa BI, makikipag-ugnayan sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) sa schedule ng posibleng repatriation.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na magde-deploy siya ng special team na magpoproseso ng mga dokumento ng repatriated Filipino at kanilang mga pamilya.
“Kapag dumating sila sa mga espesyal na flight, magkakaroon kami ng isang dedikadong koponan na magproseso ng kanilang mga dokumento kaagad pagdating,” ani Tansingco.
Dagdag pa niya, ipapaabot ng ahensya ang lahat ng tulong ayon sa hinihingi ng DFA at ng DMW para sa kapakanan ng mga repatriates.
Sa kasalukuyan, wala pang schedules para sa repatriation ang na-coordinate sa kanila, subalit mahigpit na nilang binabantayan ang mga update mula sa DFA at DMW.
“Ang kaligtasan ng ating mga kababayan ay isang pangunahing priyoridad para sa gobyerno. Gagawin ng BI ang kanyang makakaya para makapagbigay ng tulong sa mga ahensyang sangkot sa pagpapauwi ng mga Pilipino,” ayon kay Tansingco.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA