TATLONG bettor mula sa lalawigan ng Bulacan ang magiging instant milyonaryo dahil hahatiin nila ang P81 milyong jackpot ng Mega Lotto 6/45 draw noong Lunes ng gabi.
Sa advisory noong Martes, sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ang winning combination ng mga bettor na 34- 41-11-01-10-07 ay may kabuuang jackpot prize na P81,039,037.20.
Ang tatlong tiket ay binili sa McArthur Highway sa Malolos City.
Ang mga mananalo ay may isang taon mula sa petsa ng draw para kunin ang premyo, gaya ng nakasaad sa Republic Act 1169, ang batas sa PCSO lottery.
Lahat ng jackpot prizes ay dapat kunin sa PCSO main office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Ang mga panalo sa lotto na higit sa P10,000 ay may pataw na 20 porsiyentong buwis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law.
Samantala, 41 iba pa ang nanalo ng tig-P32,000 na nakahula ng lima sa anim na winning digit; 2,291 naman ang makakakuha ng P1,000 bawat isa para sa apat na tamang digit; at 40,389 ay may P30 bawat isa para sa tatlong tamang digit.
Ang 6/45 Mega Lotto ay idini-draw tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Hinimok ng PCSO general manager Melquiades Robles ang publiko na suportahan ang mga produkto ng ng ahensya upang makalikom ng karagdagang kita para sa mga programa sa kalusugan, serbisyong medikal, at iba pang pambansang kawanggawa.
Sa pamamagitan ng mandatoryong kontribusyon nito, hindi lamang tinutulungan ng PCSO ang mga indibidwal na nangangailangan ng tulong medikal kundi nagbibigay din ng pondo sa mga institusyon ng gobyerno.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA