LIMANG miyembro ng pamilya ang hinihinalang pinatay saka sinilaban sa kanilang tahanan sa Cagayan de Oro City nitong Martes ng gabi.
Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay kinabibilangan ng isang mag-asawa, ang mga anak nilang edad 7 at 4, at isang 25-anyos na kaanak.
Batay sa ulat, ang labi ng lima ay natagpuan ng mga miyembro ng Bureau of Fire Protection sa naabong bahay ng mga ito sa Lower Sumpong, Bgy. Indahag, Cagayan de Oro City.
Nakakita umano ang mga imbestigador ng mga bakas ng dugo sa labas ng bahay ng mga biktima, mga marka ng paa, bakas ng sapatos, mahabang buhok na naiwan sa labas ng bahay at isang galon ng mabahong gasolina na posibleng ginamit sa pagsunog.
Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS