SINIGURO ng Department of Agriculture (DA) nitong Sabado na sapat ang supply ng baboy at itlog para sa darating na Kapaskuhan.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa sa isang news forum sa Quezon City na patuloy ang pag-iimport ng baboy partikular ngayong fourth quarter.
“Iyong nabanggit ko dati na, iyon nga na inayos ko ngayon… iyong import naman ay tuluy-tuloy iyan dahil parating ngayong fourth quarter – ito iyong naproseso noong mga nakaraang buwan pa ng Bureau of Animal Industry,” ani De Mesa.
“May mga pumapasok naman regularly ng importation. Iyong ASF (African Swine Fever) naman ay nandito na sa atin, nagsimula ito noong August 2019 sa Rodriguez, Rizal, noong Regional Director pa ako at marami nang lugar na tinamaan ng ASF iyong napa-graduate na natin from infected zone o red zone into pink zone, iyong buffer zone natin hanggang yellow zone,” paliwanag pa niya.
Upang makontra ang epekto ng ASF, sinabi ni De Mesa na patuloy ang isinasagawang “BABay ASF” program ng kanilang Kagawaran bukod pa ang pest control, prevention, biosecurity at repopulation initiative.
Ito ay upang masiguro na ang mga lugar na tinamaan ng ASF ay muling makapagsimula ng produksiyon, kasabay ng pahayag hinggil sa dinedebelop na bakuna laban sa ASF.
“Ito ay tuluy-tuloy… tapos ngayon iyong bakuna para sa ASF at sa AI ay undergoing iyong ating testing at maganda iyong resulta and hopefully ay magtuluy-tuloy po ito,” sabi pa ni De Mesa.
Sa bahagi naman ng supply ng itlog, lalo ngayong Christmas holiday, sinabi ni De Mesa na wala silang nakikitang problema.
“Pero dahil stable iyong ating supply pati iyong production natin ng day-old pullets na magiging layers pagdating ng panahon ay maganda iyong population so wala tayong nakikitang problema,” aniya pa.
“At iyong Avian Influenza na nakaapekto sa Central Luzon, bagama’t may ilan naapektuhan ay unti-unti na rin ang nakaka-recover,” sambit ni De Mesa.
Ayon pa sa agriculture official, kadalasang tumataas and paggamit ng itlog sa panahon ng pagbubukas ng klase dahil maraming estudyante ang mas gusto itong kainin sa agahan.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA