HOSTAGE TAKING IN PASAY
ISANG 35-anyos na lalaki ang nanghostage ng babaeng call center agent na nakasalubong lamang niya sa Pasay City nitong Sabado ng hapon.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director Brig. Gen. Roderick Mariano ang suspect na si Rodel Saklayan, ng Imelda Marcos, Ilocos Norte; habang ang biktima ay si Cielo May Veringuel, 25, ng 075 Merges St. Daine 2, Indang, Cavite.
Batay sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima nang bigla na lamang siyang sunggaban ng suspect sa harapan ng Fely’s Canteen sa kanto ng EDSA at Pilapil St. Bgy. 83 ganap na alas 5:45 ng hapon.
Tinutukan ng basag na bote sa leeg ang biktima na nagmakaawang pakawalan siya ng suspect.
Nakatawag pansin naman sa nagpapatrulyang sina SSg Danilo Cumabot at Pat. Joseph Gabe ng Libertad Police Sub-Station ang nagaganap na komosyon kaya’t mabilis silang rumesponde upang alamin ang nangyayari.
Tinangkang makipag-negosasyon ni Cumabot sa suspect habang humingi ng tulong ang kasama nitong pulis sa Special Weapon and Tactics (SWAT) team ng Pasay police.
Nang makakuha ng tiyempo ay agad sinunggaban ni Cumabot ang kamay ng suspect na naging daan para makatakas mula sa pagkakahawak ang biktima.
Nahaharap sa kasong alarm and scandal, slight illegal detention at frustrated murder ang suspect na ayon sa kanya ay humihingi lamang siya ng tulong na magpadala sa ospital dahil sa namumulikat niyang paa subalit nang wala umanong pumapansin sa kanya ay nagawa niya ang manghostage.

PGH READY TO ASSIST NKTI AS LEPTOSPIROSIS CASES RISE — PALACE
4 DIE IN PASAY CITY FIRE
GOV’T TO DEFEND METRO MANILA WAGE HIKE
5 PEOPLE, INCLUDING BABY, DIE IN CALOOCAN CITY FIRE
BOY, 13, STABBED DEAD BY CLASSMATE, 14, OVER P10 IN LAS PIÑAS SCHOOL
OFW HELP DESK ESTABLISHED AT MANILA CITY HALL
COURT ORDERS ARREST OF VP SARA OVER GRAVE THREATS RAPS
PBBM CONDOLES WITH FAMILIES OF 2 FILIPINO SEAFARERS KILLED IN STRAIT OF HORMUZ
FLOOD RESCUE BRINGS RIPPLES OF HOPE MEMBERS BACK TO THANK PRO3 PERSONNEL
PRO3’S 36-HOUR MANHUNT OPERATIONS HAUL TO JAIL ALL CL’S 10 MOST WANTED FELONS