crime scene
PATAY ang magkapatid na edad tatlo at apat makaraang gilitan sa leeg ng kanilang sariling ina gamit ang cutter sa loob ng kanilang tahanan sa Magallanes, Cavite Lunes ng umaga, Oktubre 16.
Tigmak ng dugo at wala nang buhay nang datnan ng mga awtoridad ang magkapatid sa higaan.
Ang suspect ay ang kanila mismong ina na 26-anyos, walang hanapbuhay.
Naglaslas din ang suspect sa kanyang leeg makaraang makitang patay na ang kanyang mga anak.
Nangyari ang karumal dumal na krimen sa bahay ng pamilya sa Sitio Kalaanan, Bgy. Pacheco., bayan ng Magallanes.
Base sa imbestigasyon ni Cpl. Kervi G. Lopez , dakong alas-9:40 ng umaga ng Oktubre 16 nang maganap ang insidente kung saan natutulog pa ang magkapatid habang nakatitig ang ina sa dalawang anak.
Bigla na lamang umanong kumuha ng cutter ang ina at nilapitan ang natutulog na mga anak at isa-isang nilaslas ang leeg ng mga ito.
Nang makitang duguan ang mga biktima, agad din niyang nilaslas ang sariling leeg.
Isinugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan at inoobserbahan pa.
Depresyon ang tinitignang motibo ng puisya sa nangyaring krimen.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong parricide laban sa inang suspect.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS