OFWS
NASA 16 na repatriated overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Israel at isang sanggol ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Miyerkules.
Malugod silang sinalubong ni Migrant Workers officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac, kasama ang mga opisyal mula sa Overseas Workers Welfare Administration, Department of Social Welfare and Development, Department of Foreign Affairs, Department of Health at ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Pagdating sa bansa, agad silang tumanggap ng tulong pinansyal at tiniyak ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ng iba pang uri ng tulong.
“Bukod sa financial assistance habang kayo ay nasa Israel, kami rin po ay magbibigay ng P50,000 para sa inyo. Sasagutin din ng OWWA ang inyong transportasyon hanggang sa inyong probinsya at kung connecting flight, hanggang sa hotel accommodation, kasi ganyan kayo kamahal,” sinabi ni OWWA Deputy Administrator Honey Quino sa dumating na OFWs.
Ang iba pang mga ahensya na naroroon ay nakatuon din sa pagtulong sa repatriated OFWs.
Sinabi ni TESDA Deputy Director General Aniceto Bertiz na mamimigay ang ahensya ng scholarship commitment certificate sa mga bumalik na OFW, na tinitiyak na maaari silang mag-avail ng scholarship program ng TESDA sa buong bansa.
Aniya, ang TESDA ay mayroong 17 regional offices at 87 provincial offices, bukod sa mga paaralan na kanilang pinapatakbo sa buong bansa.
“We are closely coordinating with the Department of Migrant Workers para maihanda kayo. Ang TESDA ay handang tumulong para magkaroon kayo ng bagong skills at training, kasama na rin yung livelihood program,” ayon kay Bertiz.
Dagdag pa niya, magbibigay din ang TESDA ng tulong pinansyal na P5,000 sa bawat OFW, at kung pipiliin nilang mag-avail ng Skills Training for Employment Program (STEP) tulad ng bread and pastry training, bibigyan din sila ng libreng oven. at iba pang materyales na kailangan para makapagsimula sila sa sarili nilang negosyo.
Samantala, sinabi ng DOH na magbibigay sila ng tulong medikal, kabilang ang psycho-social counseling, stress debriefing at medical referral.
Nasa NAIA din sina Senator Raffy Tulfo, chair ng Senate Committee on Migrant Workers, at OFW Party-list Rep. Marissa Magsino para i-welcome ang mga umuwing OFW na apektado ng hidwaan sa pagitan ng Israel at Hamas.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA