davao de oro
INUGA ng magnitude 5.9 na lindol ang Davao de Oro Biyernes ng madaling araw, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon kay Phivolcs director Dr. Teresito Bacolcol, ang malakas na lindol na bunsod ng paggalaw ng Philippine fault ay naramdaman alas – 2:58 ng madaling araw ng Oktubre 20.
Ang epicenter ng pagyanig ay 35 kms. timog-silangan ng bayan ng New Bataan. May lalim ito na 13 kms.
Naitala ang intensity 5 sa Caraga sa Davao Oriental at New Bataan, Maragusan, at Pantukan sa Davao de Oro.
Intensity 4 naman sa Nabunturan, Compostela, Monkayo, Mawab, Montevista, Laak, Mabini, at Maco sa Davao de Oro habang intensity 3 sa Davao City at Tagum City sa Davao del Norte.
Intensity 1 sa Bislig City at Tandag Citysan Surigao del Sur.
Sinabi ng Phivolcs na ang pagyanig ay naramdaman din sa lalawigan ng Cotabato,, Soccsksargen region, at Bukidnon.
Kaugnay nito, sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Davao de Oro bunsod ng nasabing paglindol.
Ayon kay Davao de Oro Gov. Dorothy Gonzaga, magsasagawa ang mga kaukulang ahensiya ng pag-iinspeksiyon sa mga paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga guro at mag-aaral kasunod ng pagyanig.
Naglabasan din ang mga pasyente at staff members sa Davao de Oro Provincial Hospital sa Montevista sa takot.
Napag-alaman na nagkaroon na ng damage ang naturang ospital dahill sa mga naranasang pagyanig ngayong taon.
Napansin din ang maliliit na bitak sa session hall ng Sangguniang Panlalawigan at sa Land Transportation Office sa Davao de Oro kasunod ng malakas na lindol.
Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management officer Joseph Randy Loy, wala namang major damage na naitala bunsod ng nasabing pag-uga ng lupa.
Ang lindol nitong Biyernes ay pangalawa sa malakas na paggalaw ng lupa na naranasan sa lalawigan ngayong taon.
Matatandaang noong Pebrero, tinamaan ng magnitude 6 na lindol ang lalawigan at ang epicenter ay natukoy sa bayan din ng New Bataan.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS