PATAY ang tatlong miyembro ng isang pamilya habang sugatan naman ang anim na iba pa makaraang salpukin ng isang pick-up truck ang dalawang tricycle sa Calamba City, Laguna nitong araw ng Undas.
Kinilala ang mga nasawi na sina Gilbert Palupit, 35-anyos na tricycle driver, asawa nitong si Aileen 34, at anak nilang si Ma .Aleisha Gale, pawang residente ng Bgy. Real, Calamba City.
Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang sina John Rey San Juan, driver ng isa pang tricycle at kanyang pasaherong si Myla Alorro na residente ng Nagcarlan, Laguna; Clay John Tianzon na pasahero ng SUV; Allyssa Joy 12; Akisha Gillen 10; at Ayesha Gillian Palupit 9.
Nangyari ang trahedya sa national highway sa Purok 2, Bgy. Bucal.
Batay sa inisyal na ulat, bigla na lamang pumasok sa kabilang linya ang pick-up truck na minamaneho ni Alyssa Mae Pacrin Abritia at binanggaang dalawang tricycle ganap na alas-3:30 ng madaling araw nitong Miyerkules.
Bunsod ng impact ay tumilapon sa kalsada ang mga sakay ng dalawang tricycle at agad na isinugod ng mga naksaksi sa Jose Rizal Provincial Hospital upang malapatan ng kaukulang lunas.
Inaresto naman ng mga rumespondong pulis ang driver ng pick-up truck na ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple serious physical injury at damage to property.

FEMALE JAIL VISITOR NABBED FOR SHABU CONCEALED IN PRIVATE PART
COPS ARREST BARANGAY CAPTAIN IN PAMPANGA ROAD RAGE SHOOTNG
53-YEAR-OLD WOMAN FOUND DEAD IN BATAAN HOME
OVER 3,000 COPS DEPLOYED TO ENSURE PEACEFUL BARMM POLLS
P1.16-M FAKE FERTILIZERS CONFISCATED IN NUEVA ECIJA
COPS SEIZE P22-M ILLEGALLY TRADED PETROLEUM PRODUCTS IN BATAAN
PRESIDENT MARCOS ORDERS DMW TO EXTEND ALL POSSIBLE AID TO FAMILIES OF 2 PINOY SEAFARERS KILLED IN BLACK SEA DRONE ATTACKS
PBBM: UPGRADES AT PORT OF LUCENA GOOD FOR REGIONAL GROWTH
DIESEL, KEROSENE PRICES UP BY OVER P10 STARTING JULY 21, 2026
FUEL SUBSIDY PROGRAM FOR PUV DRIVERS TO CONTINUE – PALACE