INUMPISAHAN nang tanungin ng mga imbestigador ang mga miyembro ng pamilya at kaibigan ni Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon upang madetermina ang posibleng motibo sa likod ng pagkawala nito.
Sa isang television interview, sinabi ni CIDG 4A (Calabarzon) chief Col. Jacinto “Jac” Malinao Jr. na batay sa mga testimonya ng ina ni Camilon, kapatid na si Chin-Chin, at kaibigang si “Vanessa” na nakatakdang makipagkita ang beauty queen sa boyfriend nitong si Maj. Allan de Castro sa Batangas City noong araw na mawala ito noong Oktubre 12.
Sinabi rin ni Malinao na nakakuha sila ng screenshots ng palitan ng mga mensahe nina de Castro at Camilon na magiging bahagi ng ebidensiya laban sa suspect na pulis.
Ayon kay Malinao, sa text messages, isinumbong umano ni Camilon sa kaibigan na sinasaktan siya ni de Castro.
“Nagalit diumano si de Castro nang sabihin ni Catherin sa misis nito na may babae ito. Sa tuwing nalalasing ay sinasaktan umano nito ang beauty queen at kung minsan ay kakikitaan ng mga pasa si Catherine,” anang opisyal.
Sa isinagawang interogasyon, pinabulaanan umano ni de Castro ang mga alegasyon sa kanya.
Sinabi ni Malinao na si de Castro ay nasa restrictive custody ngayon ng Police Regional Office 4A headquarters.
Si de Castro, ang driver-bodyguard nitong si Jeffrey Magpantay at dalawa pang John Does ay sinampahan na ng kasong kidnapping at serious illegal detention sa Batangas Provincial Prosecutor’s Office kaugnay ng pagkawala ni Camilon.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS