TINANGGAP ng Senate Committee on Finance ang panukala ni Senador Win Gatchalian na pondohan ang certification ng mga mag-aaral sa Grade 12 na nasa technical-vocational-livelihood (TVL) track.
Ani Gatchalian,ya, makatutulong ito upang itaas ang tsansang makapasok sa magandang trabaho ang mga mag-aaral na ito.
Iminungkahi ng Chairperson ng Senate Committee on Basic Education ang paglalaan ng P438.16 milyon sa ilalim ng development regulatory program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Gagamitin ang naturang pondo para sa assessment at certification ng tinatayang 420,967 mag-aaral sa Grade 12 na nasa TVL track.
Matatandaang pinuna ng senador ang tinatawag niyang “dead end” para sa mga mag-aaral ng senior high school na nasa TVL track. Batay kasi sa datos ng Department of Education (DepEd) para sa School Year (SY) 2020-2021, 6.7% lamang o 32,965 sa 473,911 graduates ng senior high school sa TVL track ang dumaan sa assessment para sa national certification. Sa mga kumuha ng national certification, 31,933 o 97% ang pumasa.
“Ang nagiging sagabal sa pagkuha ng assessment para sa national certification ay ang gastos na nagkakahalagang P760 hanggang P1,370. Mahalagang hakbang ang paglalaan natin ng pondong ito sa certification ng ating mga senior high school graduates upang magkaroon sila ng magandang trabaho,” ani Gatchalian sa kanyang interpellation sa panukalang pondo ng TESDA para sa taong 2024.
Ayon din sa pananaliksik ng tanggapan ng senador, 50% ng mga senior high school TVL graduates ang nagtatrabaho sa mga elementary occupations, o iyong mga trabaho na nasa pinakamababang kategorya pagdating sa skills requirement. Halimbawa ng mga trabahong ito ang mga street vendors, cleaners, domestic helpers, car at window washers, at street sweepers.
Ani Gatchalian, isa na naman itong pahiwatig na hindi natupad ang pangako ng sistema ng edukasyon na ihanda ang mga senior high school graduates para sa trabaho o sa pagnenegosyo.
Isinusulong din ng senador ang pagsasabatas ng Batang Magaling Act (Senate Bill No. 2367) na layong ihanda ang mga senior high school graduates para sa kolehiyo, middle-skills development, trabaho, o pagnenegosyo.
Iminumungkahi rin ng panukalang batas ang libreng national competency assessment para sa mga senior high school learner ng DepEd.

SENATE CONCLUDES FIRST REGULAR SESSION OF THE 20TH CONGRESS
GATCHALIAN ELECTED AS ACTING SENATE PRESIDENT
CHIZ ARRIVES AT THE PLENARY, COMPLETES REQUIRED QUORUM OF 12 SENATORS
HOUSE EXPELS CAVITE CONGRESSMAN KIKO BARZAGA
PROPOSED P240 IMMIGRATION FEE FOR TRAVELERS STILL UNDER STUDY – PALACE
116 SUSPECTS, FUGITIVES IN CENTRAL LUZON CAPTURED IN MONTH-LONG CIDG RFU 3 OPERATIONS
ALLEGED SUBSTANDARD APPLIANCES SEIZED IN NUEVA ECIJA BUY-BUST
SM SAN PEDRO JOINS BRIGADA ESKWELA 2026