ISINUGOD sa pagamutan ang tinataya sa 145 katao matapos umanong ma-food poison makaraang kumain ng pansit sa dinaluhang kasalan sa Talakag, Bukidnon.
Ayon kay Lanpatan Mayor Ernie Devibar, kabilang sa mga labis na naapektuhan ay nagmula sa Sitio Kibuda sa Kinangay at kalapit lugar.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, dumalo ang mga biktima sa isang kasalan sa bayan ng Talakag.
Makalipas ang ilang sandali ay nakaranas ang mga ito ng pagsusuka, pananakit ng ulo at pagtatae.
Hinala ng mga biktima na ang inihain sa kanilang pansit na nakalagay sa plastic umaga pa lamang ang naging dahilan ng pagsama ng kanilang pakiramdam.
Kabilang din sa mga nabiktima ay ang nagluto ng pansit at kaanak ng ikinasal.
Nagpadala na ng sample ng pansit sa laboratoryo upang alamin kung ito nga ang sanhi ng pagkakasakit ng mga biktima.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS