APAT katao ang patay sa inuman na nauwi sa pamamaril sa Banaue, Ifugao.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Staff Sgt. Andrew Dulnuan, Civilian Active Auxiliary (CAA) Alfone Maguiwe, CAA Sanny Bumad-ang at ang mismong suspect na si CAA Jebilie Banghuyao.
Si Banghuyao ay nagbaril din sa sarili makaraang barilin ang tatlong biktima gamit ang armalite rifle.
Sa pahayag ni Banaue Police Station cchief Maj. Richard Ananayo, nag-iinuman ang mga biktima at nagkukuwentuhan sa loob ng kanilang kampo sa Bgy. Viewpoint nang maungkat umano ang isyu sa pagdu-duty ng mga Civilian Active Auxiliary.
Nauwi sa pagtatalo ang kwentuhan hanggang sa bigla na lamang umanong kinuha ni Banghuyao ang armalite at niratrat ang mga kainuman.
Pagdaka ay itinutok ng suspect sa sarili ang baril at ipinutok na naging sanhi rin ng kanyang kamatayan.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS