PUMANAW na ang elepanteng si Vishwa Ma’ali o mas kilala bilang “Mali” sa Manila Zoo nitong Martes, Nobyembre 28.
Mismong si Manila Mayor Honey Lacuña, na labis na nalungkot sa pangyayari, ang nag-anunsiyo ng pagpanaw ni “Mali” ganap na alas-3:45 ng hapon ng Martes.
“Sa kasalukuyan po ay ginagawa ang necropsy upang malaman natin ang tunay na dahilan ng kaniyang pagkamatay,” ani Lacuna.
Si Mali ay 49-anyos.
Ayon sa pamahalaang lungsod ng Maynila, si “Mali” ang tanging elepante na naninirahan sa bansa.
Ipinadala siya ng gobyerno ng Sri Lanka bilang donasyon sa Pilipinas noong 1970s.
Hindi malinaw ang dahilan ng pagpanaw ni “Mali.”
Si “Mali” na isang babaeng elepante ay nagsilbing atraksiyon sa Manila Zoo sa matagal na panahon.

ONLINE THREAT HITS UP DILIMAN; STUDENTS EVACUATED
QC SCIENCE HIGH SCHOOL WINS FIRST NXTGEN CONGRESS
P755 NEW DAILY MINIMUM WAGE FOR METRO MANILA WORKERS
LAWYER CALLS FOR PROBE INTO ALLEGED ILLEGAL STL OPERATIONS IN QC
FAMILY OF 4 DIE IN QUEZON CITY FIRE
THOUSANDS MOURN ‘NANAY NENE NG TONDO’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA