PARA sa mas mabilis na pagresponde, nagsimulang magpaskil ang Regional Highway Patrol Group-Calabarzon ng mga numero ng hotline na maaaring tawagan ng publiko, partikular ng mga pasahero ng bus, sa rehiyon.
Pinangunahan ni HPG 4A director Police Col. Rommel Estolano ang pagpapaskil sa mga bus at terminal ng stickers bilang safety advisory sa mga pasahero.
Ginawa ni Estolano ang hakbang kasunod ng nangyaring insidente ng pamamaril sa dalawang pasahero sa loob ng bus na patungong Maynila noong Nobyembre 17, 2023.
Ayon sa HPG 4A head, sa pamamagitan ng hotline ay madaling makareresponde ang kapulisan kung may magyaring hindi kanais-nais na hindi inaasahan sa loob ng bus .
Aniya, kung mabilis na maitetext o matatawagan ang numero ng pulisya, lalo na ang HPG na laging nagpapatrol sa kakalsadahan, ay mas mabilis na matutugunan ang anumang krimen.
Hinihikayat din ni Estolano ang mga motorista o pasahero na i-report kung may mapansing kahina-hinalang kilos sa matataong lugar lalo na ngayong papalapit na ang kapaskuhan.
Aniya pa, nasa 200 mobile patrol cars at 30 motorsiklo ang nagpapatrulya sa buong rehiyon 24/7 para proteksiyunan ang taumbayan.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS