PATAY ang tinataya sa apat katao habang nasa 42 iba pa ang sugatan sa nangyaring pagsabog Linggo ng umaga (Disyembre 3, 2023) sa state-run Mindanao State University sa Marawi City.
Nangyari ang pagsabog habang nagdaraos ng misa sa gymnasium ng nasabing unibersidad,
Inaalam pa ang mga pangalan ng mga nasawi at mga sugatan.
Patuloy pa ring inaalam kung anong device ang ginamit sa pagpapasabog at iniimbestigahan din ang pagkakakilanlan ng mga suspect at kung ano ang motibo sa pambobomba.
Ang mga sugatan ay mabilis na isinugod sa Amai Pakpak Medical Center para sa kaukulang lunas.
Nangyari ang pagsabog dalawang araw matapos na mapatay ang 11 hinihinalang miyembro ng teroristang grupong Dawlah Islamiyah at kanilang lider sa air at ground assault operation ng mga awtoridd sa bulubunduking bahagi ng Mother Tuayan, Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Ayon sa 6th Infantry Division ng Philippine Army, nagsimula ang air at ground offensives alas 12:15 ng hapon noong Biyernes.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS