HINDI sumipot si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kauna-unahang pagdinig sa preliminary investigation kaugnay ng kasong grave threats na isinampa laban sa kanya ni ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro.
Bigo rin ang dating pangulo na magsumite ng kanyang counter-affidavit.
Ayon sa mga abogado ni Duterte, wala silang natatanggap na subpoena na ipinalabas ng Quezon City Prosecutor’s Office noong Oktubre 27.
Sa subpoena, inaatasan ang dating presidente na sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya sa Disyembre 4 at 11 sa ilalim ng Article 282 ng Revised Penal Code kasunod ng umano’y banta kay Castro na napanuod sa kanyang programang “Gikan sa Masa, Para sa Masa” ng Sonshine Media Network International (SMNI).
Si Castro ay isa sa mga bumabatikos sa confidential at intelligence funds ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay attorney Rico Domingo, abogado ni Castro, nagbigay ang prosecutor ng panibagong kopya ng subpoena sa kampo ng dating pangulo.
Naghain din ang abogado ni Castro ng isa pang supplemental complaint laban kay Duterte kaugnay ng patuloy umano nitong pagbabanta na napanuod din sa nasabing programa ng SMNI.
Ayon sa abogado, binigyan ng 10-araw o hanggang Disyembre 15 ang kampo ni Duterte para sagutin ang panibago nilang reklamo.

DTI ASSURES NO PRICE INCREASE IN BASIC COMMODITIES THIS CHRISTMAS – PALACE
COPS RESCUE TWIN BABIES SOLD FOR P30K
4 PAF PILOTS DIE IN BATANGAS AIR MISHAP
BOMB THREAT HITS UST
DILG OFFERS P50-M REWARD FOR ARREST OF SEN. ‘BATO’ DELA ROSA
PASAY COP IN VIRAL DOMESTIC ABUSE VIDEO RELIEVED FROM POST; FACES CHARGES
OVER P18‑M KETAMINE FROM NETHERLANDS INTERCEPTED BY PDEA IN PAMPANGA
NAIA BRACES FOR UP TO 1.25-M ‘UNDAS’ PASSENGERS
EMPLOYEES CANNOT BE FORCED TO RETIRE BEFORE 65 – SC