NAGBABALA nitong Miyerkules ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko laban sa lumalaganap na parcel o love scam ngayong holiday season.
“Maging maingat sa mga tawag, mensahe, o email na nagsasabing mayroon kayong package o parcel na nakabinbin sa BOC at kinakailangan ninyong magbayad through personal bank account o money remittance upang ito ay mailabas,” anang BOC sa kanilang social media post.
Ayon sa Kagawaran, madalas ay nagpapanggap ang mga kawatan na taga-BOC o isang dayuhan.
Pinaalalahanan nito ang publiko na ang pagbabayad ng customs duties at taxes ay maaari lang gawin sa BOC cashier o sa pamamagitan ng Authorized Agent Banks (AAB).
Sa pahayag ng BOC, mag-check muna sa website ng Department of Trade and Industry (DTI) kung ang sinasabing courier o forwarder ay accredited.
Maaari ring makipag-ugnayan sa BOC para tiyakin kung ang resibo, tracking number, at iba pang dokumento na natanggap ay totoo o pekeng impormasyon lamang.
Ayon pa sa Kagawaran, maaaring makipag-iugnayan sa BOC sa pamamagitan ng kanilang landline na 8705-6000 o mag-email sa boc.cares@customs.gov.ph at sa http://customs.gov.ph.

MAYON VOLCANO ERUPTS, ALERT LEVEL 3 UP
LTFRB ISSUES OVER 1,000 ADDITIONAL BUS PERMITS TO BOOST PUBLIC TRANSPORT FOR UNDAS
NAIA BRACES FOR UP TO 1.25-M ‘UNDAS’ PASSENGERS
EMPLOYEES CANNOT BE FORCED TO RETIRE BEFORE 65 – SC
DTI ASSURES NO PRICE INCREASE IN BASIC COMMODITIES THIS CHRISTMAS – PALACE
PH DEFENSE CHIEF HIGHLIGHTS UNITY, SOVEREIGNTY, OPEN DIALOGUE AT ASEAN DEFENCE MINISTERS’ MEETING
OVER P18‑M KETAMINE FROM NETHERLANDS INTERCEPTED BY PDEA IN PAMPANGA