PATAY ang isang empleyado sa sunog na naganap sa Municipal Trial Court ng Minganilla Cebu Martes ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Jose Mesa Agusto, 60, mula sa bayan ng San Fernando.
Batay sa ulat nakita umano ng isang hukom si Agusto na sinisindihan ang mga dokumento na nasa ilalim ng lamesa sa loob ng court room.
Tinangkang pigilan ng hukom at ng isang Darwin Rondina si Agusto subalitt sa halip na papigil ay inatake pa umano sila nito.
Naging mabilis ang pagkalat ng apoy na nagdulot ng panic sa hukom at iba pang mga kawani na nasa loob ng court room.
Isang traffic personnel ang nakarinig umano sa sigawan at agad na sinaklolohan ang mga biktima at tinulungan ang mga itong makalabas.
Ilan sa mga kawani ay nagtamo ng paso sa katawan at nilapatan ng kaukulang lunas.
Si Agusto ay idineklarang dead on arrival sa ospital.
Nasira ng apoy ang dalawang palapag na gusali na pag-aari ng municipal government.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang nagtulak sa suspect na gawin ang panununog at kung magkanong halaga ang nilamon ng apoy.

MAYON VOLCANO ERUPTS, ALERT LEVEL 3 UP
OVER P18‑M KETAMINE FROM NETHERLANDS INTERCEPTED BY PDEA IN PAMPANGA
DTI ASSURES NO PRICE INCREASE IN BASIC COMMODITIES THIS CHRISTMAS – PALACE
COPS RESCUE TWIN BABIES SOLD FOR P30K
DRUG PEDDLER FROM QC BUSTED IN BATAAN
SUBIC RESTO FALLS PREY TO THIEVES
LTFRB ISSUES OVER 1,000 ADDITIONAL BUS PERMITS TO BOOST PUBLIC TRANSPORT FOR UNDAS
NAIA BRACES FOR UP TO 1.25-M ‘UNDAS’ PASSENGERS