INIHAYAG ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Miyerkules na inaprubahan nito ang taas singil sa tubig ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc..
Sinabi ni MWSS Regulatory Office chief regulator Patrick Lester Ty na ipatutupad ang dagdag singil simula Enero ng susunod na taon.
Aniya, ang average ng pagtaas ay mula P6.41 hanggang P7.87 kada cubic meter (/cu.m.).
“We did the tariff adjustments in tranches to ensure that the public will be protected and it will not be too burdensome to do it all in one go, and to ensure that Manila Water and Maynilad will be doing their capex (capital expenditure) rollout projects and ahead of schedule actually, hopefully,” ani Ty.
“Part of the reason is we need to prepare for the El Niño that will be happening in 2024… and we have started preparing for that, and we have directed Manila Water and Maynilad to ensure that there will be no water crisis and to mitigate all the effects of El Niño next year,” dagdag pa nito.
Bilang bahagi ng ikalawang tranche ng rate rebasing, ang parehong concessionaires ay maaaring magtaas ng kanilang mga singil mula 2023 hanggang 2027.
Ito ay basta’t natutugunan nila ang pamantayan ng MWSS tulad ng paggasta para sa mga programang nagtitiyak ng seguridad sa tubig.
Magugunitang ang unang tranche ng taas singil ay ipinatupad nitong unang bahagi ng kasalukuyang taon.
Ang east zone concessionaire na Manila Water ay binigyan ng go signal na taasan ang average basis charge ng P6.41/cu.m. hanggang P42.26/cu.m. sa darating na 2024 mula sa P35.85/cu.m. ngayong taon.
Kasama sa adjustment ang P1.27/cu.m. para sa inflation, at P5.14/cu.m. para sa programa sa paggastos nito.
Ito ay may upward adjustment na P2.96 bawat buwan para sa mga customer na may mababang kita na lifeline, P34.12 para sa mga komukonsumo ng 10 cu.m. bawat buwan, P76.68 para sa mga gumagamit ng 20 cu.m. kada buwan, at P154.55 para sa mga kumokonsumo ng 30 cu.m. bawat buwan.
Magtataas naman ng P7.87/cu.m ang west zone concessionaire na Maynilad hanggang sa P47.57/cu.m. sa 2024 mula sa P39.70/cu.m. nitong 2023.
Isinasaalang-alang nito ang P1.40/cu.m. para sa inflation, at P6.47/cu.m. para sa capital spending.
Ang karagdagang P4.74 ay sa bawat buwan para sa mga low-income lifeline customer, P26.61 para sa regular na lifeline customer, P100.67 para sa mga komukonsumo ng 20 cu.m. kada buwan, at P205.87 para sa mga kumokonsumo ng 30 cu.m. kada buwan.
Ayon pa kay Ty, ang rate adjustments ay abot kaya naman at kinakailangan dahil masisiguro nito ang patuloy na serbisyo ng tubig sa kabila ng banta ng El Niño.

DIESEL, KEROSENE PRICES UP BY OVER P10 STARTING JULY 21, 2026
PNP TO DEPLOY OVER 20,000 COPS FOR MARCOS’ 5TH SONA
POLITICAL VLOGGER GUNNED DOWN IN CALOOCAN
PRESIDENT MARCOS ANNOUNCES NEW P2,000 CASH AID FOR LOW-INCOME FILIPINOS
GRADE 8 STUDENT STABBED BY 14-YEAR-OLD SCHOOLMATE IN CAVITE
SWIFT POLICE ACTION LEADS TO ARREST OF 5 ‘GAPOS GANG’ MEMBERS IN MARIKINA
PRESIDENT MARCOS ORDERS DMW TO EXTEND ALL POSSIBLE AID TO FAMILIES OF 2 PINOY SEAFARERS KILLED IN BLACK SEA DRONE ATTACKS
PBBM: UPGRADES AT PORT OF LUCENA GOOD FOR REGIONAL GROWTH
FUEL SUBSIDY PROGRAM FOR PUV DRIVERS TO CONTINUE – PALACE