PINAHINTULUNTAN ng Manila Regional Trial Court Branch 40 ang anim na suspects sa kaso ng mga nawawalang sabungero na makapagpiyansa.
Ayon kay Senior State Deputy Prosecutor Richard Fadullon, ang bawat isa sa anim na akusado ay pinayagang makapagpiyansa ng halagang P3 milyon.
Ang anim na suspects na pinahintulungang makapagpiyansa ay sina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion at Roberto Matillano Jr.
Nahaharap ang mga ito sa kasong kidnapping at serious illegal detention kaugnay ng umano’y pagdukot sa anim katao sa Manila Arena noong Enero 2022.
Ayon kay Fadullon, tatlong elemento sa kaso ng kidnapping ang hindi aniya napatunayan ng prosekusyon, partikular ang sinasabing pagkakadetene sa mga nawawalang sabungero.
“Kasi ang huling alam lamang ng testigo is that nakita niyang isinasakay sa van at noong tinatanong sila kung may pamumuwersa o pananakot, wala naman daw silang nakita,” paliwanag ni Fadullon.
Hindi naman niya inaalis ang posibilidad ng paghahain ng motion for reconsideration.
“There is a possibility that we might just file an MR, we have to discuss this with the prosecutor handling the case pero kahit pa naka-pending itong MR na ito iyong proseso ng paglalatag ng piyansa ng mga akusado ay patuloy na gumagalaw,” pahayag ni Fadullon.
Labis namang ikinalungkot ni Jaja Pilarta, asawa ng nawawalang sabungero na si John Claude Inonog, ang naging desisyong ito ng korte.
“Sa tagal ng pananahimik nila na wala silang binibigay na update ito pa ba ang pamasko nila sa amin na makakapyansa na ‘yung ano, binigyan na ng pagkakataong makapagpyansa ‘yung anim,” said Pilarta.
Ayon sa kanya, dismayado rin sa naging desisyon ang mga iba pang kaanak ng mga nawawalang sabungero.
“Nagmi-meeting-meeting pa kami kasi kahit ‘yung iba na-low morale din kasi siyempre ang tagal na nanahimik eh ultimo police, lahat ng mga humahawak sa bawat case na, wala pa rin update sa amin,” ani Pilarta.
“Akala naman namin may maganda silang balita tapos ngayon ‘yun pala ang ibabalita sa amin, pwede na mag-bail pwede na magpyansa ‘yung mga nakakulong,” dagdag pa niya.

COURT ORDERS ARREST OF VP SARA OVER GRAVE THREATS RAPS
2 PINOY SEAMEN KILLED IN STRAIT OF HORMUZ ATTACK
LACSON FILES BILL SEEKING TO GRANT OMBUDSMAN POWER TO ARREST, SEARCH, SEIZE
PRO3 MANHUNT OPERATIONS NET 1,082 WANTED PERSONS IN CENTRAL LUZON
6 DEAD, 3 MISSING AFTER BOAT SINKS IN ZAMBALES
BAM AQUINO PUSHES TO INCREASE SENIOR CITIZEN’S SOCIAL PENSION TO P1,000
PBBM CONDOLES WITH FAMILIES OF 2 FILIPINO SEAFARERS KILLED IN STRAIT OF HORMUZ
FLOOD RESCUE BRINGS RIPPLES OF HOPE MEMBERS BACK TO THANK PRO3 PERSONNEL
PRO3’S 36-HOUR MANHUNT OPERATIONS HAUL TO JAIL ALL CL’S 10 MOST WANTED FELONS