HINDI na naman sumipot si dating Pangulong Roddrigo Duterte sa imbestigasyon nitong Biyernes kaugnay ng kasong grave threats na isinampa laban sa kanya ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Ayon kay Castro, nagsumite na lamang ang mga abogado ng dating pangulo ng counter-affidavit na sinumpaan nito sa harap ng prosecutor sa Davao City noong Disyembre 11.
“Hindi na naman dumating si dating Pangulong Duterte. Meron silang binigay na manifestation narinig ko lang dahil malayo daw ‘yung lugar,” anang kongresista.
Sa kanyang counter-affidavit, pinasinungalingan ni Duterte na may sinabi siyang intensiyon niyang saktan si Castro. Anang dating Pangulo, nabanggit lamang niya ang naging pag-uusap nila ng anak na si Vice President Sara Duterte sa kanyang unang pahayag habang ang pangalawa naman ay opinyon niya lamang.
“The alleged threatening statements were not even addressed to complainant Castro or to any individual as I was simply reciting the story of my talk with Inday Sara to the program viewers,” anang dating Pangulo.
“Meanwhile, the remarks I uttered during the Second Subject Episode cannot also be reasonably interpreted as a ‘communicated intent to inflict physical or other harm’ on complainant Castro’s person. Notably absent in the phrase ‘yun komunista patayin, kasali ka, dapat!’ is any word signifying my personal determination, inclination or capability,” dagdag pa nito.
Ayon naman sa complaint-affidavit ni Castro, sinabi nitong pinagbantaan umano ni Duterte ang kanyang buhay sa mga naging pahayag nito sa episode ng TV program Gikan sa Masa, Para sa Masa sa SMNI News Channel na umere noong Oktubre 11.
Isang supplement complaint-affidavit ang isinampa pa ni Castro dahil sa muli umanong pagbabanta ni Duterte sa kanyang buhay sa nasabi ring TV program na ipinalabas sa SMNI noong Nobyembre 16.
Samantala sa labas ng Quezon City Prosecutor’s Office, nagkainitan ang mga supporter ng magkabilang panig.
Sigaw ng mga Duterte supporters kay Castro: “NPA,” “terrorista,” “komunista” habang ang mga supporter naman ng mambabatas ay tinawag ang dating pangulo na isa umanong “terorista.”

MAYON VOLCANO ERUPTS, ALERT LEVEL 3 UP
DTI ASSURES NO PRICE INCREASE IN BASIC COMMODITIES THIS CHRISTMAS – PALACE
COPS RESCUE TWIN BABIES SOLD FOR P30K
4 PAF PILOTS DIE IN BATANGAS AIR MISHAP
BOMB THREAT HITS UST
DILG OFFERS P50-M REWARD FOR ARREST OF SEN. ‘BATO’ DELA ROSA
LTFRB ISSUES OVER 1,000 ADDITIONAL BUS PERMITS TO BOOST PUBLIC TRANSPORT FOR UNDAS
OVER P18‑M KETAMINE FROM NETHERLANDS INTERCEPTED BY PDEA IN PAMPANGA
NAIA BRACES FOR UP TO 1.25-M ‘UNDAS’ PASSENGERS