INABSWELTO ng Sandiganbayan Fifth Division ngayong araw ng Biyernes, Enero 19, 2024, si Senador Jinggoy Estrada sa kasong plunder kaugnay ng P10 bilyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam na iniuugnay sa negosyanteng si Janet Lim Napoles.
Gayunman, sinabi ng Anti-Graft Court na guilty ang senador sa isang bilang ng kasong direct bribery at dalawang bilang ng indirect bribery makaraang maakusahan ng pambubulsa ng P183 milyong kickbacks sa mga pekeng proyekto sa diumano’y pakikipagsabwatan kay Napoles.
Sinentensiyahan si Estrada ng walo hanggang siyam na taong pagkakabilanggo sa kasong direct bribery at mula dalawa hanggang tatlong taon sa kasong indirect bribery.
Sa panayam ng mga reporter, pinasalamatan ni Estrada ang mga mahistrado sa naging desisyon subalit nagpahayag ng pagtataka sa guilty verdict para sa mga kasong bribery at indirect bribery.
Sinabi ng senador na base sa information sheet, walang mga kasong bribery o indirect bribery ang isinampa laban sa kanya.
“I did not receive any money. I would like to thank the magistrates of the Sandiganbayan that after a decade, my case has been resolved. It took almost 10 years but still, I am very, very thankful. This is a vindication of my name,” ani Estrada.
“Kahit matagal, maganda naman ‘yung results. Maganda ‘yung kinalabasan,” dagdag pa niya.
Si Senador Jinggoy, anak ni dating Pangulong Joseph Estrada, ay kinasuhan ng plunder base sa 2007 hanggang 2009 report ng Commission on Audit (COA) kung paano nito ginastos ang kanyang PDAF.
Ang hatol sa kaso ni Senador Jinggoy ay naganap matapos ang 10-taon na paghihintay kumpara sa apat na taon sa katulad na kaso na nagsangkot naman sa kanyang kapwa senador na si Ramon “Bong” Revilla Jr..

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA