NASAWI ang isang 8-taong gulang na lalaki matapos umanong bugbugin ng sariling ama sa kanilang tahanan sa General Santos City.
Kinilala ang biktima na si Yurie Canlaon, residente ng Bgy. Fatima, General Santos City.
Binawian ng buhay si Yurie Huwebes ng madaling araw habang nakaratay sa ospital matapos ma-comatose dahil sa tinamong mga pasa at baling bato.
Sa ulat ng pulisya, nangyari ang pambubugbog Martes ng madaling araw. Lasing umano na dumating ng kanilang bahay ang suspect na si Roy Canlaon Jr., 34-anyos.
Una umanong binugbog ng ama ang kapatid na babae ng biktima at isinunod si Yurie na matapos bugbugin ay inihagis pa umano sa kama.
Nasa Maynila ang ina ng mga bata at inaasikaso ang pag-aapply nito para makapag-abroad nang mangyari ang krimen.
Sa pahayag ng suspect sa pulisya, sinabi nitong dala ng kalasingan ay hindi umano niya alam ang kanyang nagawa.
Ayon kay Major Wesley Matillano, station commander, Police Station 7 ng General Santos City Police, unang kinasuhan ang suspect ng serious physical injury na may kaugnayan sa Republic Act 7610 o batas laban sa Child Abuse ngunit dahil pumanaw ang biktima ay magsusumite sila ng supplemental affidavit upang iakyat sa parricide ang kaso.
Labis naman ang pagtangis at pagsisisi ng suspect na patuloy ang paghingi ng tawad sa kanyang pamilya dahil sa kanyang ginawa sa sariling anak.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
FALLING GIANT CRUCIFIX KILLS PRIEST DURING LIVESTREAMED MASS IN ECUADOR
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS