KINUMPIRMA ng Buckingham Palace na may cancer si King Charles III.
Hindi ibinunyag kung anong uri ito ng cancer subalit natuklasan ito nang huling magpagamot ang Hari sa kanyang enlarged prostate.
Nitong nagdaang Lunes ay nagsimula na ang Hari sa kanyang “regular treatments” at ipagpapaliban muna ang kanyang public duties, ayon sa Palasyo.
Ang 75-anyos na Hari ay nananatiling positibo sa kanyang gamutan at umaasang makababalik sa kanyang buong public duty sa lalong madaling panahon, dagdag pa ng Palasyo.
Wala nang iba pang detalye na ibinahagi ang Buckingham Palace hinggil sa estado ng cancer ni King Charles o prognosis nito.
Personal na ipinaalam ng Hari sa kanyang mga anak ang diagnosis at ang Prince of Wales ay sinasabing regular ang ginagawang pagkontak at pangangamusta sa ama.
Ang Duke of Sussex na si Prince Harry na naninirahan sa United States ay nakausap din ang ama at nakatakdag magbiyahe patungong UK upang makita ito sa mga susunod na araw.
Umaasa si Prime Minister Rishi Sunak ng “full at speedy recovery” ng Hari.
Nagpahayag naman ng malasakit si US President Joe Biden at sinabing makikipag-usap siya kay King Charles.
“Navigating a cancer diagnosis, treatment, and survivorship takes hope and absolute courage. Jill and I join the people of the United Kingdom in praying that His Majesty experiences a swift and full recovery,” ani Biden sa isang post sa X.

FALLING GIANT CRUCIFIX KILLS PRIEST DURING LIVESTREAMED MASS IN ECUADOR
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
ONLINE THREAT HITS UP DILIMAN; STUDENTS EVACUATED
GOVERNMENT WORKING ON MEASURES TO MITIGATE IMPACT OF CONTINUED PESO DEPRECIATION — PALACE
PROSECUTION DROPS 3 IMPEACHMENT ARTICLES, RETAINS UNEXPLAINED WEALTH CHARGE VS VP SARA
4 FILIPINOS HURT, INCLUDING 3 IN ICU, IN RIYADH AIRPORT ATTACK
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA