ISANG 62-anyos na lalaki ang pinagtataga saka pinugutan ng ulo ng sariling pamangkin sa Daanbantayan, Cebu.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Cristitulo Broñona Casinilio habang ang suspect ay ang pamangkin nitong si Jorge Camay Casinilio.
Ang dalawa ay parehong residente ng Sitio Malaumon, Bgy. Tinubdan, Daanbantayan.
Sa imbestigasyon ng Daanbantayan Municipal Police Station, bilga na lamang umanong sinugod ng suspect na diumano ay lango sa ipinagbabawal na gamot ang noon ay may hawak na manok na tiyuhin.
Agad umanong pinagtataga ng suspect ang biktima.
Hindi pa nakuntento ay pinugutan pa ng ulo ng suspect ang kanyang tiyo.
Ayon sa mga saksi, nagalit umano ang suspect sa kanyang tiyuhin dahil karibal niya ito sa kanyang idol na si “Gretchen Barreto.”
Agad namang dinakip ng mga rumespondeng pulis ang suspect na nahaharap sa kasong murder.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS