UMAKYAT na sa bilang na 110 ang mga taong nawawala bunsod ng pagguho ng lupa na naganap sa Maco, Davao de Oro noong gabi ng Pebrero 6, 2024.
Ang nasabing bilang ay base sa datos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Maco na naitala ng ganap na alas-4 ng hapon nitong Huwebes, Pebrero 8.
Kabilang sa hinahanap ang mga residente sa lugar na tinamaan ng landslide sa Bgy. Masara, gayundin ang mga pasahero ng bus na natabunan sa pagguho noong Martes ng gabi.
Ang nasabing mga bus ay may lulang mga empleyado ng isang mining company na ihahatid sana pauwi nang mangyari ang trahedya.
Labing-isa katao na ang bilang ng iniulat na namatay hanggang nitong Huwebes habang 31 naman ang nailigtas.
Dalawang araw matapos ang landslide, patuloy pa rin ang search at retrieval operations na isinasagawa ng mga awtoridad na umaasang may makikita pa silang mga survivor.
“Patuloy po tayong hindi nawawalan ng pag-asa na may makikita pang mga buhay. Nagdarasal po tayo na meron pang maraming buhay,” ani Joseph Randy Loy, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Davao de Oro.
Tinataya sa 1,166 pamilya ang inilikas sa mga shelter sa apat na paaralan.
Samantala, sinusuri ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) – 11 ang lugar sa palibot ng landslide site kung ligtas pa ito para sa mga residente.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
FALLING GIANT CRUCIFIX KILLS PRIEST DURING LIVESTREAMED MASS IN ECUADOR
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS