NAGSASAGAWA ngayon ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa pagkakadiskubre nitong linggo sa katawan ng isang lalaki na walang ulo sa Carmona City, Cavite.
Ang hubo’t hubad na katawan ng bktima ay itinapon sa bahagi ng Davilan Road, Bgy. Lantic, Carmona City.
Wala pa ring pagkakakilanlan ang biktima dahil hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay nawawala pa rin ang ulo nito.
Natagpuan ang bangkay na walang ulo ganap na alas – 5:10 ng hapon ng araw ng linggo.
Ayon sa Carmona police, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa katawan ng lalaki na pugot ang ulo.
Ang biktima ay tinatayang may taas na 5’6 at may tattoo sa kanang dibdib.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng biktima at kung sino ang gumawa ng karumal-dumal na krimen.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS