UMABOT sa pananapak ang hindi pagkakaintindihan ng mayor ng isang bayan sa Antique at ang kanyang vice mayor dahil lamang sa isyu ng ayuda.
Nangyari ang insidente noong Lunes ng umaga.
Ayon sa ulat, inabangan ni Mayor Ernesto Tajanlangit ng Tobias Fornier, Antique si Vice Mayor Jojo Fornier sa isang police checkpoint para kumpiskahin ang daan-daang food packs lulan ng isang closed van.
Pagsapit sa lugar ay nagkasagutan ang alkalde at ang kanyang bise na humantong sa pananapak ni Tajanlangit.
Ayon sa mayor, tinamaan siya ng pinto ng van nang isara ito ng bise alkalde dahilan kaya nito ito nasapak.
Kinumpirma naman ni Gov. Rhodora “Dodod” Cadiao na humiling sa kanya ng food packs ang bise alkalde para ipamahagi sa kanyang constituents na hindi umano nakatanggap ng ayuda.
Ayon sa gobernaadora, ang food packs ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na inilaan para sa lalawigan ng Antique.
Humingi naman ng paumanhin ang mayor at ang kanyang vice mayor bunsod ng pangyayari.
Dumistansiya rin ang gobernadora sa away ng dalawa kasabay ng panawagan na iwasan ang mga hidwaang politikal lalo pa at nasa state of calamity ang lalawigan dahil sa El Niño.

412 PAMPANG MARKET FIRE VICTIMS TO GET CASH AID FROM DSWD
MUNICIPAL ENGINEER NABBED FOR ALLEGED EXTORTION
HVI YIELDS P374,000 SHABU IN PAMPANGA ENTRAPMENT
PRO3 ACCOUNTS FOR OVER 88,000 EXPIRED GUNS, POSTS 97.44% ACCOMPLISHMENT RATE
FAMILY OF 5 KILLED IN PANGASINAN FIRECRACKER FACTORY BLAST
UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3