SINAMPAHAN ng kasong libel ng sikat na aktres at singer na si Sharon Cuneta at asawa nitong si dating senador Francis “Kiko” Pangilinan ang kontrobersiyal na beteranong showbiz columnist at ngayon ay online show host na si Cristy Fermin.
Ang kaso ay isinampa ng mag-asawa sa Makati City Prosecutors Office nitong Biyernes.
Inakusahan ng mag-asawa si Fermin ng paglalabas ng mga walang basehan at malisyosong mga pahayag hinggil sa kanilang personal na buhay.
Sinabi ni Cuneta na kaya niyang magtiis subalit ibang usapan na aniya kapag ang naaapektuhan na ay ang kanyang pamilya, partikular na ang kanyang mga anak.
“Don’t shoot the messenger.”
Ito naman ang tugon ni Fermin matapos malaman ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya ng mag-asawa.
“Wala pa po akong masasabi, wala pa kaming impormasyon na tinatanggap. Basta naiintindihan natin ito. ‘Yan po ay kasama sa ating trabaho bilang mamamahayag,” wika ni Fermin.
Nitong nagdaang linggo, nagsampa rin ng kasong libel ang akrres na si Bea Alonzo laban kay Fermin, Ogie Diaz at iba pang co-hosts ng mga ito sa kani-kanilang mga programa.

BEA ALONZO, BUSINESSMAN VINCENT CO NOW MARRIED
SM MALLS HOST BTS ARMY CELEBRATIONS
LEA SALONGA CONFIRMS SEPARATION FROM HUSBAND ROBERT CHIEN
LAWMAKER URGES PUBLIC TO WATCH ‘I’MPERFECT’
LOINIE EXPECTING FIRST BABY
‘I’M PERFECT’ MAKES HISTORY AT MMFF 2025
PRESIDENT MARCOS ORDERS DMW TO EXTEND ALL POSSIBLE AID TO FAMILIES OF 2 PINOY SEAFARERS KILLED IN BLACK SEA DRONE ATTACKS
PBBM: UPGRADES AT PORT OF LUCENA GOOD FOR REGIONAL GROWTH
DIESEL, KEROSENE PRICES UP BY OVER P10 STARTING JULY 21, 2026
FUEL SUBSIDY PROGRAM FOR PUV DRIVERS TO CONTINUE – PALACE