ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince B. Dizon na tiyakin ang kaginhawaan at kaligtasan ng mga pasahero, mas pinaigting ng Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng pamumuno ni Acting Assistant Secretary attorney Greg G. Pua Jr., ang kampanya laban sa overloading sa mga pampublikong sasakyan sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng “Anti-Sardinas Policy.”
Ang “Anti–Sardinas” Policy ay isang patakaran ng panghuhuli sa mga pampublikong sasakyang may siksikang parang sardinas.
Pagmumultahin at posibleng mawalan ng prangkisa ang mga pampublikong sasakyang mahuhuling nagsisiksikan ang mga pasahero.
Bilang bahagi ng pinaigting na kampanyang ito, nagtalaga ang ahensya ng mga tauhan mula sa Law Enforcement Service at mga regional offices upang magsagawa ng inspeksyon at operasyon sa mga pangunahing lansangan at terminal sa iba’t ibang panig ng bansa.
Tinututukan ng mga operasyong ito ang mga pampublikong sasakyang lumalabag sa itinakdang kapasidad, upang masigurong hindi naisasakripisyo ang kaligtasan ng mga mananakay.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA