GOOD News!
Hindi na kailangang pumunta pa sa Land Transportation Office (LTO) o sa mga sangay nito ang mga motorista para lamang makapang-renew ng kanilang driver’s license.
Ito’y makaraang ilunsad nitong Huwebes ng LTO ang Online Driver’s License Renewal System (ODLRS) gamit ang eGovPH app.
Ito’y bilang tugon na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na gawing mabilis, moderno at hassle-free ang mga serbisyo ng gobyerno.
Sa pangunguna ni LTO Chief, Assistant Secretary attorney Vigor D. Mendoza II, patuloy na isinusulong ng ahensya ang digital transformation upang mas mailapit ang serbisyo sa publiko.
Ayon kay Mendoza, ginawa ang ODLRS app para mapadali ang proseso ng pagre-renew ng lisensiya, mabawasan ang physical transactions, at mailapit pa lalo sa publiko ang kanilang serbisyo.
Upang makapag-apply online, kailangan lamang na na i-download at i-install ang “eGovPh” app sa smartphones na makukuha sa App Store at Google Play.
Ang app ay hihingi ng security verification para maprotektahan ang account ng gagamit.
Ang mga hakbang para makapag-renew ng driver’s license online ay ang mga sumusunod:
1. Sa eGov app, hanapin ang icon na NGA, hanapin ang LTO, at i-click
2. Piliin ang Online Driver’s Application
3. I-click ang “Renew Your Driver’s License”
4. I-upload o kunan ng litrato ang harap at likod ng iyong Physical Driver’s License
5. Kapag na-upload na, hintayin ang analyzation ng uploaded card (1minuto hanggang 3 minuto)
6. Kapag nakompleto na ang validation, rebisahin at beripikahin ang detalye, at pindutin ang “submit”
7. Kumuha ng iyong larawan at sundin ang Required Standard Format na makikita sa instructions bago kumuha ng isang larawan.
Ayon kay Mendoza, ang e-license ay valid din gaya ng physical card.
Dagdag pa nito na ang isang aplikante ay maaring kumuha ng courier provider para maihatid sa kanila ang physical card ng lisensiya, o personal itong kunin sa pinakamalapit na LTO district office.

FALLING GIANT CRUCIFIX KILLS PRIEST DURING LIVESTREAMED MASS IN ECUADOR
PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA