NAGBABALA si Transportation Secretary Vince Dizon sa mga gumagawa ng pekeng plaka at ibinebenta sa publiko na itigil ang ilegal na Gawain.
Ginawa ni Dizon ang babala matapos mahuli ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Land Transportation Office (LTO) ang apat na indibidwal sa San Ildefonso, Bulacan noong Sabado.

Kasunod nito ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hulihin ang mga gumagawa ng ilegal na plaka na ginagamit sa iba’t-ibang krimen.
Sinabi ni Secretary Dizon na ang mga pekeng plaka ay ibinebenta sa social media at nagkakahalaga ng P1,200.
Sa operasyon ng PNP-CIDG at LTO, iba’t-ibang plate printing machines ang nakumpiska mula sa mga suspect.
“Para sa mga gumagawa ng ganitong kalokohan, itigil niyo na ito kasi hindi namin kayo titigilan. Una pa lang ito sa mga marami pa naming huhulihin, kakasuhan at ipapakulong na gumagawa ng ganitong klaseng illegal activities,” ani Dizon matapos i-presenta ang apat na nahuling gumagawa ng pekeng plaka.
Dagdag pa ng kalihim, malaki ang kaibahan ng plakang iniisyu ng LTO na may security features gaya ng QR Code verification.
Nagpasalamat din si Secretary Dizon kina Interior Secretary Jonvic Remulla at PNP chief Gen. Nicolas Torre III sa pagtulong sa ahensiya upang mahuli ang mga suspect.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA