MAS madali, kombinyente at mabilis na ang pagbabayad ng pamasahe sa MRT-3 matapos ilunsad nitong Biyernes ng Department of Transportation (DOTr), ka-partner ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ibang ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor, ang bagong cashless payment methods sa rail line.
Bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paginhawain ang serbisyo sa mga commuter gamit ang digitalization, ipinatupad ang cashless payments sa tren para sa mas komportable at hassle-free na biyahe ng mga pasahero.

Paliwanag ni Transportation Secretary Vince Dizon, sa pamamagitan ng cashless payment option, maaari nang sumakay ang pasahero sa tren sa pamamagitan lamang ng pag-tap sa turnstiles ng GCash Commuter QR Code, Android cellphone na Near Field Communication (NFC)-enabled, at debit o credit card.
“Walang dagdag sa pasahe dito. ‘Yung sistema, kung ano ang ikakaltas sa GCash nyo, sa credit card nyo, sa debit card nyo, pareho lang kung bumili kayo ng single journey ticket,” pahayag ni Sec. Dizon sa MRT-3 Ayala Station.
Hindi na rin kailangang pumila sa ticket counter para bumili ng single journey tickets (SJT) dahil pwede nang dumiretso sa turnstiles para magbayad gamit ang cashless option, dagdag ni Dizon.
Ang integrated payment setup na ito ay first of its kind sa mundo, at walang additional cost sa mga pasahero o sa gobyerno.
Kumpara sa typical na cashless payment system na gumagamit lamang ng EMV at transport cards, ang integrated payment setup na inilusad sa MRT-3 ay kakaiba dahil sa multiple fare media setup na kaya ring tumanggap ng NFC at QR codes, all in one payment terminal.
“First of its kind ito sa whole world. Halos lahat ng payment modes pwede in one device. Ito ang tinutulak sa atin ng Pangulo na gawing convenient ang travel experience,” dagdag ng kalihim.
“Malaking bagay ang tulong ng partners gaya ng BSP, DICT, DTI, Landbank, G-Cash, VISA, at KentKart upang matupad ito,” ani Dizon.
Samantala, ang mga cashless payment options na ito ay ipatutupad din sa LRT-1, LRT-2 sa mga susunod na buwan, katuwang naman ang RCBC.

PRESIDENT MARCOS ORDERS DMW TO EXTEND ALL POSSIBLE AID TO FAMILIES OF 2 PINOY SEAFARERS KILLED IN BLACK SEA DRONE ATTACKS
PBBM: UPGRADES AT PORT OF LUCENA GOOD FOR REGIONAL GROWTH
DIESEL, KEROSENE PRICES UP BY OVER P10 STARTING JULY 21, 2026
FUEL SUBSIDY PROGRAM FOR PUV DRIVERS TO CONTINUE – PALACE
PROSECUTORS CLAIM WIN AFTER IMPEACHMENT COURT GRANTS BID TO SUBPOENA VP SARA’S BANK, TAX RECORDS
CHIZ PUSHES REVIEW OF JUVENILE JUSTICE SYSTEM FOR SAFER SCHOOLS