NALAMBAT ng mga pinagsanib na operatiba sa pangunguna ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may 530 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.6 billion mula sa Thailand sa isinagawang controlled delivery mission sa Mexico, Pampanga nitong Miyerkules, September 27.
Sinalakay ng mga ahente ng NBI, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BOC), at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang isang warehouse sa Purok 5, San Jose Malino, Mexico City.
Nakumpiska sa raid ang may 59 kahon na may 530 magkakahalong red tea bags at golden tea bags na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Itinago ang mga ilegal na kontrabando sa ilalim ng mga plastic bags ng chicharon at tuyo.
Ayon sa NBI, nanggaling ang ilegal na droga sa Thailand at naipuslit papasok sa Subic Port sakay ng Sitc Shekou cargo vessel noong September 18.
Nagawang ma-infiltrate ng mga undercover agent ng NBI ang sindikato na nagresulta sa tagumpay na operasyon.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang NBI sa mga dapat na managot sa nasabat na bilyong halaga ng shabu.
Samantala, nakatutok ngayon ang mata ng pamahalaan sa Subc na posible umanong nagagamit sa pagpupuslit ng ilegal na droga at agricultural products.
Nagpahayag ng pagkabahala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kasunod ng pagkakadiskubre sa mga naipuslit sa bansa na droga mula sa Thailand.
“We have observed that Subic demands our immediate attention. It has emerged not only as a hub for illegal drug trafficking but also as a significant source of agricultural smuggling and various other forms of contraband entering our nation. Consequently, our vigilance over Subic, as well as all our ports, will remain unwavering.” ani Remulla.

FLOOD RESCUE BRINGS RIPPLES OF HOPE MEMBERS BACK TO THANK PRO3 PERSONNEL
PRO3’S 36-HOUR MANHUNT OPERATIONS HAUL TO JAIL ALL CL’S 10 MOST WANTED FELONS
PRO3 MEETS AUGUST MANHUNT TARGET WITH 1,215 ARRESTS
MAN KILLS 3-YEAR-OLD SON IN ILOCOS SUR
PRO3 MANHUNT OPERATIONS NET 1,082 WANTED PERSONS IN CENTRAL LUZON
PRO3 ENDS 2-DECADE MANHUNT, ARRESTS MOST WANTED FELON
COURT ORDERS ARREST OF VP SARA OVER GRAVE THREATS RAPS
PBBM CONDOLES WITH FAMILIES OF 2 FILIPINO SEAFARERS KILLED IN STRAIT OF HORMUZ