LABINDALAWANG flights ang naapektuhan ng bomb threat na bumulabog sa Bicol International Airport (BIA) nitong Lunes, Oktubre 2, 2003.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), hind kaagad pinaalis ang Cebu Pacific (CEB) flight 5J 326 na may lulang 130 pasahero ng alas 10:45 ng umaga nitong Lunes.
Ito’y makaraang matagpuan ang isang papel na may nakasakulat na “bomb” sa loob ng lavatory ng nagturang eroplano.
Agad na nagpakalat ng CAAP Security at Intelligence Service agents, kasama ang Aviation Security K-9 Bomb Disposal units, at Philippine National Police – Aviation Security Group, para siyasatin ang mga luggage at hand-carried items ng mga pinigil na pasahero.
Limang paalis at limang parating na CEB flights ang na-delay bunsod ng nasabing bomb joke.
Isang Philippine Airlines flight ang pinabalik ng Maynila makaraang isara pansamantala ang runway ng BIA habang isang Manila-bound PAL flight ang naapektuhan din ng pangyayari.
Muling binuksan ang runway ng aiport ng ala-1:35 ng hapon ng araw din ng Lunes makaraang makumpirmang wala namang bomba.

FLOOD RESCUE BRINGS RIPPLES OF HOPE MEMBERS BACK TO THANK PRO3 PERSONNEL
PRO3’S 36-HOUR MANHUNT OPERATIONS HAUL TO JAIL ALL CL’S 10 MOST WANTED FELONS
PRO3 MEETS AUGUST MANHUNT TARGET WITH 1,215 ARRESTS
MAN KILLS 3-YEAR-OLD SON IN ILOCOS SUR
PRO3 MANHUNT OPERATIONS NET 1,082 WANTED PERSONS IN CENTRAL LUZON
PRO3 ENDS 2-DECADE MANHUNT, ARRESTS MOST WANTED FELON
COURT ORDERS ARREST OF VP SARA OVER GRAVE THREATS RAPS
PBBM CONDOLES WITH FAMILIES OF 2 FILIPINO SEAFARERS KILLED IN STRAIT OF HORMUZ