MAYROONG libreng sakay ang mga bata sa MRT-3 ngayong Lunes, November 6, bilang pagdiriwang ng National Children’s Month.
Makakasakay nang libre sa peak hours mula alas-7 ng umaga hanggang alas 9 ng umaga at mula alas 5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi ang mga batang mababa ang edad sa 18.
Kabilang na rin sa libreng sakay ang mga estudyanteng nasa kinder, elementarya, at hanggang senior high school.
Kinakailangan lamang magpakita ng valid school ID sa mga security personnel sa istasyon upang ma-avail ang libreng sakay.
“Nakikiisa po ang buong linya ng MRT-3 sa pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong buwan ng Nobyembre. Nawa po sa aming libreng sakay ay maipadama namin sa ating mga kabataan ang aming paghanga at pagpapahalaga sa kanilang galing at husay, na siyang magiging pundasyon ng ating maunlad na bayan,” ani Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.
Ang libreng sakay ay tugon ng MRT-3 sa kahilingan ng National Council for the Welfare of Children (CWC) para sa espesyal na okasyon, at bilang pagpupugay na rin sa kabataang Pilipino.

ZALAMEDA IS NEW SUPREME COURT CHIEF JUSTICE
HOUSE PANEL LAUNCHES PUBLIC CONSULTATIONS ON PROPOSED NEW PARTY-LIST LAW
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC
15-YEAR-OLD BOY HAMMERS MOTHER TO DEATH, DUMPS BODY IN SEPTIC TANK
PRESIDENT MARCOS SHARES EERIE EXPERIENCES AT BAGUIO”S THE MANSION
ERWIN TULFO SEEKS UAE PARTNERSHIP FOR PH OIL HUB
412 PAMPANG MARKET FIRE VICTIMS TO GET CASH AID FROM DSWD
MUNICIPAL ENGINEER NABBED FOR ALLEGED EXTORTION
HVI YIELDS P374,000 SHABU IN PAMPANGA ENTRAPMENT
PRO3 ACCOUNTS FOR OVER 88,000 EXPIRED GUNS, POSTS 97.44% ACCOMPLISHMENT RATE