PINASINUNGALINGAN nitong Martes ni Vice President Sara Duterte na sangkot siya sa anumang gawain ng vigilante group na “Davao Death Squad” (DDS) na umano’y nasa likod ng mga pagpatay sa mga taong dawit sa krimen at ilegal na droga.
Ginawa ni Duterte ang pahayag kasunod na alegasyon ni dating Senador Antonio Trillanes IV sa isang TV interview na ang Bise Presidente ay isa sa respondents ng imbestigasyong isinasagawa ng International Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y kanyang pagsang-ayon sa “tokhang operations” ng DDS noong panahon na siya ang mayor ng Davao City.
“Sa mga taon na nagsilbi ako bilang Vice Mayor at Mayor ng Davao City, ni minsan ay hindi napag-usapan o naiugnay ang aking pangalan sa umano’y Davao Death Squad. Subalit matapos akong manalo bilang Vice President, bigla na lang nagkaroon ng testigo laban sa akin at ngayon ay kasama na ako sa mga akusado sa International Criminal Court,” ani Duterte.
“Hindi ko kailangan ng death squad para sa mga bagay na kaya kong gawin,” dagdag pa nito.
Gayunman, sinabi niyang handa siyang humarap sa anumang akusasyon laban sa kanya basta’t sa korte lamang ng Pilipinas.
Aniya, hindi siya lalahok o magiging parte ng isang prosesong hindi lamang magsasadlak sa kahihiyan sa bansa kundi dudurog din sa dignidad ng ating mga huwes, korte, at buong justice system ng Pilipinas.

15-YEAR-OLD BOY HAMMERS MOTHER TO DEATH, DUMPS BODY IN SEPTIC TANK
PRESIDENT MARCOS SHARES EERIE EXPERIENCES AT BAGUIO”S THE MANSION
ERWIN TULFO SEEKS UAE PARTNERSHIP FOR PH OIL HUB
ESCUDERO HAILS ELECTED BANGSAMORO PARLIAMENT AS MAJOR MILESTONE FOR PEACE, PROGRESS
MAYON VOLCANO ERUPTS, ALERT LEVEL 3 UP
LTFRB ISSUES OVER 1,000 ADDITIONAL BUS PERMITS TO BOOST PUBLIC TRANSPORT FOR UNDAS
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC
UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3
BARANGAY HALL IN PAMPANGA FALLS PREY TO THIEVES ON ALL SAINT’S DAY
MOST WANTED IN CAVITE CAPTURED IN NUEVA ECIJA