SAMPUNG miyembro ng Southern Police District (SPD) ang sinibak sa pwesto matapos mapatunayang guilty sa kasong administratibo na isinampa laban sa kanila kaugnay ng kwestiyonableng operasyon laban sa apat na dayuhan sa Parañaque City noong Setyembre ng nagdaang taon.
Kinilala ang mga ito na sina Police Lt. Col. Jolet T. Guevara; Police Majors Jason D. Quijana at John Patrick Magsalos; Police Capt. Sherwin C. Limbauan; Police Staff Sergeants Roy G. Pioquinto, Mark J. Democrito, Danilo L. Desder, Roy Pioquinto, Christina Corpuz; at Corporal Rexes Claveria.
Batay sa dismissal order na ipinalabas ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), ang 10 pulis ay sibak epektibo noong Pebrero 12, kaugnay ng kasong grave misconduct, grave irregularity in the performance of duty, grave neglect of duty, conduct unbecoming a police officer, less grave misconduct, at less grave neglect of duty.
Ayon kay NCRPO director Police Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr, ang nasabing pagsibak ay dapat magsilbing warning na hindi niya ito-tolerate ang anumang uri ng pang-aabuso at paglabag sa batas.
“Our message is clear, NCRPO and the PNP as a whole shall not condone any and all forms of abuse and criminal behavior of our men. We are exerting all efforts to weed out all erring personnel from our ranks through our invigorated internal cleansing program,” ani Nartatez.
Ang 10 sinibak na pulis ay kabilang sa mga iniimbestigahan ng House of Representatives kaugnay ng kwestiyonableng operasyon sa isang condominium sa Paranaque City ng mga miyembro ng Southern Police District.
Ang nasabing mga pulis ay nagpatupad ng search warrant noong Setyembre 16, 2023 subalit bandang huli ay nakagawa umano ng mga seryosong kasalanan kabilang na ang diumano’y pagnanakaw at pagtatanim ng ebidensiya.
Ayon kay Nartatez, napatunayang nagkasala ang mga pulis nang kanila diumanong limasin ang nasa P27 milyong pera at Rolex watch ng mga dayuhang POGO workers at ang pagtatanim ng mga baril at magazine upang ipakita na lehitimo ang kanilang operasyon.
Nagkaroon doon aniya ng pag-abuso sa pagsislbi ng search warrant nang halughugin ang lugar na hindi sakop ng searh warrant.
Sinasabing pineke rin umano ng mga pulis ang dokumento nang hindi isama sa imbentaryo ang P27 milyon at sirain ang mga CCTV sa condominium.
Maging ang mga body-worn cameras ay hindi umano pinagana ng raiding team.
Samantala, inaprubahan din ni Nartatez ang rekomendasyon na ma-demote ang pitong pulis at 17 iba pang parak na isinasangkot sa insidente.
Dagdag pa ni Nartatez na dalawang senior police officials na na-cite-in-contempt ng House panel ang isasalalim din sa disciplinary proceedings.

POLITICAL VLOGGER GUNNED DOWN IN CALOOCAN
SWIFT POLICE ACTION LEADS TO ARREST OF 5 ‘GAPOS GANG’ MEMBERS IN MARIKINA
MANDALUYONG LGU BLACKLISTS SUPPLIER OF UNDERWEIGHT RICE SACKS
RISE IN COVID-19 CASES IN QC ‘NO CAUSE FOR ALARM’
MOTHER OF 6 KIDS SHOT DEAD IN QC
METRO MANILA WORKERS TO GET P85 DAILY PAY HIKE
PRESIDENT MARCOS ORDERS DMW TO EXTEND ALL POSSIBLE AID TO FAMILIES OF 2 PINOY SEAFARERS KILLED IN BLACK SEA DRONE ATTACKS
PBBM: UPGRADES AT PORT OF LUCENA GOOD FOR REGIONAL GROWTH
DIESEL, KEROSENE PRICES UP BY OVER P10 STARTING JULY 21, 2026
FUEL SUBSIDY PROGRAM FOR PUV DRIVERS TO CONTINUE – PALACE