NAGSANIB-PWERSA ang Commission on Elections (Comelec) at Department of Justice (DOJ) sa pamamagitan ng paglagda sa isang kasunduan upang tugisin at kasuhan ang sinumang masasangkot sa vote-buying ngayong darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ginanap ang “Kontra Bigay” memorandum of agreement signing sa DOJ office sa Maynila itong Lunes , Setyembre 25.
Inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang lahat ng prosecutors sa buong bansa na pumasok at tumanggap ng mga reklamo sa mismong araw ng eleksiyon sa October 30.
“Ang ating mga piskal ay magdu-duty para tumanggap ng mga isasampang kaso,” ani Remula makaraan ang MOA signing.
“Mahalaga d’yan may testigo,” dagdag pa niya.
Ang lahat aniyang isasampang kaso ay ituturing na “open-and-shut” cases kung ang sinumpaang salaysay ng mga witness ay kumpleto at sapat.
Kumpiyansa naman si Comelec chairperson George Erwin Garcia na ang “warrantless arrest” sa mga taong sangkot sa bilihan ng boto at “red flags” tulad ng pagdadala ng malaking halaga ng pera at pamimigay ng regalo ay sapat nang ebidensiya.
Sa kasalukuyan, 23 reklamo hinggil sa vote-buying ang natanggap na at iniimbestigahan ngayon ng Comelec.
Itinakda ang campaign period para sa BSKE mula October 19 hanggang 28.

COURT ORDERS ARREST OF VP SARA OVER GRAVE THREATS RAPS
PBBM CONDOLES WITH FAMILIES OF 2 FILIPINO SEAFARERS KILLED IN STRAIT OF HORMUZ
2 PINOY SEAMEN KILLED IN STRAIT OF HORMUZ ATTACK
PALACE ANNOUNCES FREE TOLL IN SELECT NLEX AREAS STARTING SEPT. 2
LACSON FILES BILL SEEKING TO GRANT OMBUDSMAN POWER TO ARREST, SEARCH, SEIZE
PBBM TO DEPED: TEACH CLIMATE CHANGE AMONG SCHOOL CHILDREN
FLOOD RESCUE BRINGS RIPPLES OF HOPE MEMBERS BACK TO THANK PRO3 PERSONNEL
PRO3’S 36-HOUR MANHUNT OPERATIONS HAUL TO JAIL ALL CL’S 10 MOST WANTED FELONS