TINANGGAL sa pwesto ang isang security screening officer (SSO) sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa diumano’y pagkuha ng chocolate ng isang pasahero, ayon sa pahayag itong Lunes, September 25 ng isang opisyal ng Office for Transportation Security (OTS).
Ayon sa OTS, isinilbi ang dismissal order sa sangkot na screener noong September 23 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Ang dismissal order ay nag-ugat sa pagkuha ng chocolate mula sa luggage ng isang paalis na pasahero habang nagsasagawa ng baggage inspection noong September 13.
Sa pahayag ni OTS spokesperson Kim Marquez , sinabi umano ng sangkot na screener na ang cbocolate ay ibinigay sa kanya ng pasahero.
Gayunman, ayon kay Marquez, hindi sila pinapayagan na tumanggap ng kahit na ano bilang bahagi ng kanilang “no gift/tipping” policy.
Sa kasalukuyan ay wala pa naman umanong reklamo silang natatanggap hinggil sa pangyayari subalit inireport ito sa kanila ng isang OTS supervisor dahilan para agad na maglunsad ng imbestigasyon.
Ani Marquez,nang matanggap na nila ang mga ebidensiya laban sa inaakusahang screener ay agad nila itong dinismis nang sumunod na araw.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA